Mahigit 3K delegado ng FIBA, nakatanggap ng ‘Libreng Sakay’ sa MRT-3

LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Umabot sa 3,342 ang bilang ng mga pasaherong napagserbisyuhan ng MRT-3 sa libreng sakay nito para sa mga atleta at delegado ng FIBA 2023.

Ang libreng sakay ay ang naging suporta ng pamunuan ng MRT-3 sa mga atletang lumahok sa patimpalak kung saan co-host ang Pilipinas.

Nagsimula ang libreng sakay noong Agosto 25 hanggang sa pagtatapos ng 2023 FIBA Basketball World Cup nitong Linggo, Setyembre 10, 2023. (MRT3/PIA-NCR)

In other News
Skip to content