Cotabato pinag-iingat sa dengue

By: CL Cadorna/PIA12

Cotabato City -- Nagpalabas muli ng babala ang tanggapan ng Integrated Provincial Health Office ng Cotabato province sa mga mamamayan na mag-ingat sa sakit na dengue.

Sinabi ng health authorities sa lalawigan na dumarami na naman ang kaso ng dengue na naitala sa lalawigan lalo na sa mga bayan ng Mlang, Tulunan at Kidapawan.

Upang makaiwas sa sakit, ipinapayo ng IPHO Cotabato na panatilihimg malinis ang kapaligiran upang hindi bahayan ng mga lamok na karaniwang nagdadala ng sakit na Dengue.

Ayon sa Provincial Health Office bahagyan ring tumaas ang mga kaso ng Dengue nitong mga nakaraang buwan sa mga nabanggit na bayan kung kaya't naglunsad ngayong linggo ng malawakang kampanya ang kanilang tanggapan laban sa dengue.

BACK TO TOP