DENR XII naglunsad ng Green Philippine Highway
|
|
Koronadal City –Pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) XII ang implementasyon ng Green Philippine Highway. Sa ginanap na Kapihan sa SOCCKSARGEN, pinahayag ni DENR XII Regional Executive Director Jim O. Sampulna na ang paglulunsad ng Green Philippine Highway at ang tuloy-tuloy na pagtatanim ng mga punong-kahoy sa mga kalsada dito sa rehiyon dose ay sisimulan sa darating na Agosto 25, 2006 sa ganap na 10:00 ng umaga . Magkasabay itong gagawin sa buong bansa sa lahat ng National Highway. Layunin ng nasabing programa ay mabawasan ang air pollution na sanhi ng binubugang usok ng mga sasakyan at malalaking industriya. Dito sa rehiyon dose, ilulunsad ang Green Philippine Highway sa sumusunod na mga lugar mula sa bayan ng Esperanza hanggang Tacurong City sa Sultan Kudarat, mula Tacurong City hanggang General Santos City, mula General Santos City patungong Malungon, Sarangani at Pigkawayan papuntang Makilala sa Cotabato Province, ayon pa kay Sampulna. Ang programa Green Philippine Highway ay tugon sa programa ng pamahalaan sa Environmental Protection at Cleaner Air Act. .
|