Tagalog News: World Environment Day ipinagdiwang sa Lanao del Sur

By Apipa P. Bagumbaran

Thursday 7th of June 2012
MARAWI CITY, Lanao del Sur, Hunyo 7 (PIA) -- Ipinagdiwang ng Lanao del Sur ang World Environment Day sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punong kahoy.

Sinabi ni Lanao del Sur Provincial Environment and Natural Resources Officer Cosain Abbas na umabot sa mahigit anim na libong Lanipao at Narra tree seedlings ang naitanim sa iba’t-ibang lugar sa buong lalawigan ng Lanao del Sur noong Martes, June 5.

Apat na libo ang itinanim ng mga miyembro ng Philippine National Police sa kani-kanilang Municipal Police Stations samantalang ang 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army kasama ang provincial government ay nagtanim din ng 1,000 na seedling sa loob mismo ng Kampo Ranao dito sa lungsod ng Marawi.

Ang mga kawani ng Provincial Environment and Natural Resources Office, sa pangunguna ni Abbas ay nagtanim din ng isang libong tree seedlings sa isang barangay dito rin sa lungsod ng Marawi.

Ayon kay Abbas, maliban sa mahigit 6,000 tree seedlings mula sa DENR-ARMM regional office, Cotabato City, ay nagtanim din ang National Power Corporation ng tatlong libong tree seedlings sa iba’t-ibang bayan ng Lanao del Sur.

Sinabi rin ni Abbas na sa darating na June 12, Araw ng Kalayaan, ay ipagpapatuloy ng provincial government ang pagtatanim ng mga punong kahoy sa isang bayan ng Lanao del Sur at magkakaroon pa ng huling yugto ng tree planting na ito sa susunod na buwan bilang bahagi naman ng pagdiriwang ng ika-53 Araw ng Lanao del Sur.

Ang tema ng World Environment Day 2012 ay “Green Economy: Does it include you?” (Bobby Ilupa-DXSO Radyo ng Bayan/APB-PIA-10)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters