Tagalog News: 100 senior citizens sa Narvacan tinulungan ng gobyerno

NARVACAN, Ilocos Sur, Nob. 19 (PIA) -- Mangiyak-iyak ang mangilan sa 100 senior citizens sa sobrang tuwa nang matanggap nila ang P1,500 cash bawat isa mula sa gobyerno maliban pa sa idinagdag na benepisyo ng munisipyo para matulungan ang sector ng mga matatanda sa lipunan.

Maliban sa P1,500 na cash bawat senior citizen, 10 sa kanila may edad 80 pataas, nagpamigay pa si Mayor Zuriel Zaragoza ng pandagdag na pambili ng gamot ng mga indigent beneficiaries.

“Hindi kayo pababayaan ng pamahalaan, narito ako handang tumulong sa inyo,” idiniin ng binatang mayor.

Inihayag ni Mayor Zaragosa na prioridad ng kanyang administrasyon ang pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga maliliit na magsasaka lalo na ang mga nagtatanim ng tabako. “Tutulong ang NTA bibigyan ng puhunan ang mga magsasaka dahil ang Narvacan ang isa sa mga top tobacco producers sa lalawigan,” idinagdag ng dating Bokal.

Sinabi ni Zaragosa na nakatuon ang mga programa at serbisyo ng municipal government sa agrikultura, eco-tourism, health and social services, at edukasyon lalo na ang mga infrastructure projects.

Sinabi pa ng alkalde na ang pinangdidirihang dump site sa Pantoc, isang coastal barangay, na naging “eye sore” noon ay nagsisilbi na ngayong tourist attraction dahil ginagamit na ang mga basura bilang organic fertilizers.

Samantala, naghahanda na ang munisipiyo sa nalalapit na pista ng bayan sa Disyembre na inaasahang darating ang mga Narvacaneous mula sa iba’t ibang panig ng Amerika at iba pang sulok ng daigdig na nakakatulong din sa mga community projects. (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters