CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Abril 3 (PIA) -- Napiling maging host ang Oriental Mindoro sa gaganaping ‘2012 Batang Pinoy Southern Tagalog Leg’ sa darating na ika-30 ng Setyembre hanggang ika-3 ng Oktubre.
Inaasahang nasa 4,500 na mga atleta, trainers, coaches at iba pang miyembro ng mga delegasyon mula sa mga lalawigan ng Region IV-A (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), Region IV-B (Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) at Region V (Albay, Camarines ...