TAGALOG NEWS: APAT NA BAGONG KONKRETONG DAAN SA CALAPAN PINASINAYAAN
Saturday 31st of March 2012
CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Marso 31 (PIA) -- Kamakailan ay apat na ipinakonkretong daan na naman ang pinasinayaan sa mga barangay ng Nag-iba II sa Naujan, Mangangan I, sa bayan ng Baco at Batino at Pachoca sa Lungsod ng Calapan noong ika-6 ng Marso.
Regular nang gawain ni Gob. Alfonso V. Umali Jr. ang ilaan ang araw ng Martes upang bumisita sa iba’t ibang barangay sa lalawigan at pangunahan ang pagpapasinaya ng mga natapos na ipinakongkretong daan gayundin upang personal na makita ang kalagayan ng mga taga-barangay.
Dahil dito, pasasalamat ang ipinaabot ng mamamayan sa bawat barangay na kaniyang binisita sa pangunguna ng mga punong...
Read More »