Tagalog news: Tourism office ng Palawan, lumahok sa Cebu Int'l Travel Expo
LUNGSOD NG PUERTO PRICESA, Palawan, Hulyo 19 (PIA) -- Kasalukuyang nasa Lahug, lungsod ng Cebu ang kinatawan ng Provincial Tourism Promotions and Development Office ng pamahalaang panlalawigan upang lumahok sa isinasagawang Cebu International Travel Expo mula Hulyo 19 hanggang 21.
Ang kaganapang ito ay isa sa pinakamalaking travel expo na naganap sa bansa. Ang paglahok ng Tourism Office rito ay upang lalong mapalakas ang promosyon ng Palawan sa iba’t ibang travel and tour operators at mga tourism practitioner.
Ayon kay Rutchel Alcantara, Tourism Operations Officer 2, makatutulong ang partisipasiyon ng Palawan sa ganitong mga aktibidad upang lalo itong makilala at makaakit ng mga turista na maaaring mamuhunan sa industriya ng turismo.
Samantala, lumahok din ang Palawan sa katatapos lang na International Travel and Tourism Expo na isinagawa sa SM North EDSA nitong nakaraang Hulyo 13-15. Ang naturang expo ay nilahukan din ng mga travel at tour operators, mga lokal na pamahalaan, at mga culinary school.
Patuloy na isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ang turismo na isa sa priyoridad ng kasalukuyang Gobernador Abraham Kahlil B. Mitra. (PIO/OCJ/LBR-PIA 4B, Palawan)
Number of Comments: 0