Tagalog News: Paglilinis ng baybayin at pagtatanim ng bakawan, isasagawa ng PCG-Romblon

ROMBLON, Romblon, Peb. 20 (PIA) -- Magsasagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng paglilinis ng mga baybaying lugar at pagtatanim ng mga bakawan sa Pebrero 27.

 

Ayon kay Lieutentat Junior Grade Geoffrey G. Espaldon, PCG-Romblon Sation Commander, magiging katuwang nila ang mga opisyales ng baranggay at mga residente sa gagawing paglilinis sa kanilang mga baybaying lugar.

 

Dagdag Espaldon, sisimulan nila ang paglilinis sa port area ng Brgy. 1 (Poblacion) at Brgy.Bagacay ganap na alas-siyete ng umaga sa Lunes, at bago magtanghali ay tutulak naman sila patungo sa Brgy. Li-o, upang isagawa naman ang pagtatanim ng bakawan sa naturang lugar.

 

Kasabay ng programang ito ang selebrasyon ng ika-29 na taon ng pagkakatatag ng Coast Guard District Southern Tagalog sa Marso 17. Ang naturang programang ng PCG ay at regular nang isasagawa kada buwan pagkatapos ng paglulunsad. Ipapalaganap din ang programa sa buong lalawigan, partikular sa mga bayan ng Romblon na may detachment ang PCG. (DM/PIA-4B/Romblon)

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters