Tagalog News: Ordinansa laban sa rabies, nilagdaan ng pamahalaang panlalawigan

By Edwin V. Zabarte

Saturday 17th of March 2012

 BATANGAS CITY, Marso 17 (PIA) -- Nilagdaan noong Marso 12 ng mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ni Gov. Vilma Santos Recto ang ordinansa laban sa nakamamatay na sakit na rabies.

 

Kasama ng gobernadora sa seremonya ng paglagda ang mga kinatawan ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna nina 4th District Board Member Mabelle Virtusio na siyang chairman ng komitiba para sa Agrikultura at 1st District Board Member Roman Rosales ng komitiba ng kalusugan na siyang pangunahing may akda ng ordinansa.

 

Ang paglagda ay kasabay ng obserbasyon ng lalawigan sa Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Marso at ito ay sinumulan sa pamamagitan ng ceremonial dog tagging o paglalagay ng laso sa leeg ng alagang hayop na sumisimbulo na ito ay may bakuna at rabies free.

 

Kaugnay nito isasagawa ng Provincial Veterinary Office ang libreng rabies vaccination at hemorrhagic Septicemia vaccination sa bayan ng San Pascual at Calaca ngayong buwan ng Marso at sisimulan ang malawakang pagbabakuna ng mga hayop sa bayan ng Tingloy upang gawin itong unang rabies free municipality sa pagpasok ng 2014.

 

Layunin ng pagbabakuna na magkaroon ng rabies-free dog population sa lalawigan at magkaroon ang mga ito ng malakas na resistensya na labanan ang pagkapit ng rabies.

 

Ang pagbuo ng Provincial Ordinance on Rabies ay nabuo bilang pagtalima ng lalawigan sa Republic Act 9482 o mas kilalala sa tawag na Anti Rabies Act of 2007 na naglalayong tuluyang sugpuin ang pagkalat at pagkakaroon ng sakit na rabies sa tao at hayop.

 

Ang pagkontrol ng rabies ay isang suporta sa mga direktiba at programang pangkalusugan ni Batangas Governor Vilma Santos Recto na naglalayong alisin at kontrolin ang nakahahawang sakit na ito sa Batangas. (MPDC/EVZ-PIO-Batangas/PIA Batangas)

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters