Tagalog news: Public schools, magtuturo ng kahalagahan ng pagsisikap, disiplina
LUNGSOD NG QUEZON, Hunyo 21 (PIA) –- Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang mga pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya sa Metro Manila at sa buong bansa na turuan ang mga bata ng kahalagahan ng pagsisikap at disiplina.
Ayon kay Education Secretary Armin Luistro sa isang press release, higit sa 80,000 mag-aaral at 5,000 guro ang makikinabang sa isang programa na magtuturo ng gayong aspeto ng pagpapahalaga.
Sinabi pa ni Luistro, ang kampanya ay inilunsad ng DepEd sa mga piling paaralan, sa pakikipagtulungan sa Fortune Life Insurance Co., Inc., na nagtuturo sa mga mag-aaaral ng pagpapahalaga sa pag-impok at pagsisikap.
Ang DepEd ay mamimigay ng mga gawaing aklat sa mga mag-aaaral at guro. Mayroon ding karagdagang health and beauty tips para sa mga guro.
Ang benipisyaro ng programa ay mula sa mga piling paaralan sa National Capital Region, Region 3, Region 4, Region 7, at Region 11. (DepEd/RJB/JRCA-PIA NCR)
Number of Comments: 0