Tagalog news: Klase sa lahat ng antas suspendido

By Lucia F. Broño

Thursday 9th of August 2012
LUNGSOD NG QUEZON, Agosto 8 (PIA) - - Nagpalabas ng kautusan ang Malakanyang na sinususpendi ang mga klase sa lahat ng antas mula pre-school hanggang graduate school sa mga lugar na apektado ng malalakas na pag-ulan at malawakang pagbaha.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 34,s.2012 na ipinalabas ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas na may lagda ni Executive Secretary Paquito Ochoa, sinasabing dahilan sa rekomendasyon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA) at sa masamang panahon dulot ng hanging habagat, suspendido ang klase bukas (Agosto 9) sa lahat ng antas sa National Capital Region (NCR), at sa mga karatig probinsiya ng Zambales, Bataan, Pampanga, Pangasinan, Tarlac, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.

Samantala, balik trabaho naman sa mga pampubliko at pribadong tanggapan.

Sa mga unang pahayag ay sinabi ng Malakanyang na kailangang bumalik sa normalidad, ipagpatuloy ang rescue at relief operation sa mga taong apektado at mapursige ang rehabilitasyon sa mga imprastraktrurang nasira upang mapabilis ang sirkulasyon ng mga kalakal at suplay.(LFB/RJB/PA-NCR)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters