Tagalog news: Seguridad sa Baguio, iba pang lugar sa Cordillera, patuloy na pinag-iigting ng PRO-Cor

BAGUIO CITY, Abril 7 (PIA) - - Patuloy na pinag-iigting ng Police Regional Office – Cordillera (PRO-Cor) ang pagbabantay sa seguridad ng mga turista at mga lokal na mamamayan dito sa Baguio at iba pang pangunahing lugar sa Cordillera.

Ayon kay PRO-Cor Regional Director Police Chief Supt. Benjamin Magalong, patuloy na naka-full alert ang buong puwersa ng kapulisan ng Cordillera, kung saan kanselado lahat ng aplikasyon ng bakasyon hanggang sa kahabaan ng Semana Santa.

Inihayag din ni Magalong na nagbuo din sila ng mga grupo mula sa kanilang Regional Headquarters na siyang mag-iikot araw at gabi sa siyudad ng Baguio at sa La Trinidad, Benguet at sa iba pang pangunahing tourism spot at munisipalidad sa Cordillera para magsagawa ng inspeksyon.

Dito sa siyudad, patuloy din na nag-iikot upang mag-inspeksyon sina Magalong at iba-pang opisyal ng PRO-Cor, at napag-igting na din ang police patrol at visibility sa mga pangunahing kalsada at pasyalan, terminal ng bus at jeepney at gayundin sa mga mall at palengke.

Ayon kay Magalong, maliban sa mahigit liman-daang puwersa ng Baguio City Police Office, nagdagdag na rin umano sila ng ‘augmentation forces’ mula PRO-Cor at sa Police Training School, maliban pa sa ibang force-multiplier at mga volunteer groups na tumutulong sa pagbabantay ng seguridad ng mga turista at mamamayan sa siyudad ng Baguio.

Sa inaasahang trapik na dulot ng pagdagsa ng mga sasakyan ng mga bisita at bakasyunista sa siyudad, inihayag din ni Magalong na nagsagawa sila ng trainor’s-training para sa 40 volunteer na mga Traffic Personnel na siyang tutulong sa Traffic Management Office ng PNP.
Kaugnay rito, nagpa-alala din si Magalong sa publiko na patuloy din na maging alerto laban sa mga masasamang tao at elemento na maaaring mamantala sa pagdiriwang ng Semana Santa, upang gumawa ng kriminalidad.

Muli din niyang siniguro na ginagawa ng buong puwersa ng kapulisan ang lahat ng kanilang upang maseguro ang seguridad at kapayapaan sa pagdaraos ng Semana Santa at sa pakikipagtulungan ng publiko, mas mapag-iigting pa ang kampanyang ito laban sa kriminalidad. (CCD/PIA CAR)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters