Tagalog news: 140 Tesda scholarship slots ibinigay sa Tabuk
TABUK CITY, Kalinga, Agosto 7 (PIA) -- Mayroong 140 slots ng libreng pagsasanay ang ibinigay kamakailan ng Technical Education and Skills Training Authority (Tesda) sa Tabuk.
Ito ay kinabibilangan ng 28 na carpentry training course slots; 2, masonry; 32, gas metal arc welding; 30, shielded metal arc welding; at 25, electrical installation and aintenance.
Ayon kay Tabuk City Public Employment Service Office (PESO) designate manager Loyda Saboy, prioridad ang mga out-of-school youth (OSY) na mabibigyan ng libreng pagsasanay.
Ang bawat pagsasanay ay maaring tumagal ng tatlo hanggang anim na buwan.
Upang mapadali ang pagbibigay ng naturang pagsasanay sa mga kina-uukulan, sinabi si Saboy sa mga kapitan ng barangay na ipaalam agad ito sa kanilang mga sinasakupan.
Ang listahan ng mga intresado aniya ay ibigay agad sa PESO para ma-endorso sila ng pamahalaang lungsod na mag-sanay sa TESDA.
Maliban sa mga OSY, maari ring mag-apply ang mga intresadong mamayan ng Tabuk sa PESO.
Layunin ng programa na tugunan ang skills demand ng mga industriya sa loob at labas ng bansa, at upang mabigyan ng mas magandang pagkakataon ang mga skilled workers na makakuha ng mas magandang trabaho at maka-ipon para sa kanilang mga pamilya. (GGD, PIA-CAR, Kalinga)
Number of Comments: 0