Tagalog news: Subsidized corn seeds ibinigay sa mga magsasakang apektado ng bagyo sa Kalinga

By Geraldine G. Dumallig

Saturday 2nd of June 2012
TABUK CITY, Kalinga, June 2 (PIA) -- Sa pamamagitan ng AGRIPINOY Corn Program, nagbigay kamakailan ang Department of Agriculture Cordillera Regional Office ng 1,332 bags ng yellow corn hybrid seed varieties sa mga magsasaka sa lalawigan na apektadong ng bagyong Quiel at Pedring na tumama sa lalawigan nuong nakaraang taon.

May dalawang klase o variety na mga butil ng mais na naibigay. Ito ay ang pioneer o 30T80 variety na ibinebenta sa halagang P4,200 kada bag at ang NK5447 variety na naibebenta ng P3,850 kada bag.

Ayon kay Kalinga Agricultural Office Corn Coordinator Ignacio Dinulong, para makatulong sa mga magsasaka, ang pamahalaan ay magbibigay ng P600.00 subsidy kada bag.

Kada magsasaka aniya ay mabibigyan dalawang bag para sa isang ektaryang taniman o P1,200 na subsidiya kada magsasaka.

Ayon kay Kalinga Agriculturist Engr. Domingo Bakilan, ang mga butil ay deretsong ipapamahagi ng mga pamahalaang lokal sa pamamagitan ng kanilang Municipal Agriulture Office na sya ring maaatasang mangungolekta sa mga bayad mula sa mga magsasaka.

Base sa listahan, may naibigay na pioneer o 30T80 variety na 46 pakete sa Tanudan, 508 sa Tabuk City, 136 sa Pinukpuk, at 324 sa Rizal. Habang may, 200 bag naman ng NK5447 variety na naibigay sa Pinukpuk at 100 sa Rizal.

Ayon kay Dinulong, ang mga naturang variety ay napili base sa varietal preference ng mga apektadong magsasaka na natukoy bilang mga benepisyaryo ng kanilang mga Municipal Agriculturist Office pagkatapos ng mga naturang bagyo. (GGD, PIA-CAR, Kalinga)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters