Tagalog news: SCALA Center ng Kalinga magbubukas sa Hunyo
TABUK CITY, Kalinga, Abril 28 -- Inaasahang mas matutulungan na ngayon ang mga Out of school youth (OSY) sa lalawigan sa pagbubukas ng Sharing Computer Access Locally and Abroad (SCALA) Center sa Hunyo ngayong taon.
Ayon kay Women and Child Welfare Coordinator Gretchen Curameng ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang naturang pasilidad ay ang dating Senior Citizen Building sa PSWDO Compound na inayos upang maging isang training center para sa SCALA project.
Ito ay upang mabigyan pagkakataon ang mga OSYs na magkaroon ng basic competence at kaalaman sa computer technology na maari nyang gamitin upang makapaghanap buhay.
Tinatayang makapag-serbisyo ng tatlong grupo na may limang estudyante kada grupo ang center kada taon. Lima lamang ang mabibigyan ng pagkakataon aniya dahil ito lang ang kasalukuyang bilang ng mga computer sa center para sa one-on-one hands-on training at lecture. Kada mag-aaral aniya ay sasailalim sa basic computer literacy hands-on training at lecture sa loob ng dalawang buwan ng libre.
May plano rin aniyang palawigin ang programa para sa ibang disadvantaged group upang mas malaki pa ang matutulungan ng SCALA Center ng pamahalaang lalawigan. (GGD-PIA-CAR, Kalinga)
Number of Comments: 0