LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 23 (PIA) -- Walong bayan sa North Cotabato ang nakatakdang tumanggap ng tig-P 3 milyong mula sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) para sa mga proyektong pangkapayapaan at pangkaunlaran.
Tinukoy ni PAMANA Area Manager for Central Mindanao Johnnel V. Rañeses ang walong bayan na tatanggap ng PAMANA-DILG Fund na ang mga sumusunod: Pikit, Libungan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Aleosan, Pigcawayan, at Arakan na pawang mga bayan...