TAGALOG NEWS: “NO SMOKING AT NO PLASTIC POLICY” IPATUTUPAD SA SOUTH COTABATO
Monday 9th of July 2012
LUNGSOD NG KORONADAL, Hulyo 9 (PIA) -- Isasama na sa “No Smoking Policy” na ipinatutupad ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato ang iba pang pasilidad at tanggapang sakop nito.
Sa lingguhang programa sa isang lokal na radyo, sinabi ni Gov. Arthur Y. Pingoy Jr. na ang polisyang pagbabawal ng paninigarilyo na kasalukuyang ipinatutupad sa loob ng Provincial Capitol Complex at provincial hospital ay ipatutupad na rin sa ibang mga pasilidad gaya ng South Cotabato gymnasium and Cultural Center, engineering, provincial jail, at iba pa.
Sinabi rin ng gobernador na simula noong unang araw ngayong buwal, bawal din ng paggamit ng plastic ...
Read More »