LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Hunyo 17 (PIA) -- Ang Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Pagbilao ay naglalayong makapagtanim ng mga puno sa may 71,590 ektarya ng lupain ngayong taon.
Sinabi ni CENRO Pagbilao officer Edmundo Esteban na kabilang sa mga lupaing ito ay bulubundukin, at forest and mangrove areas na matatagpuan sa mga bayan ng Pagbilao, Agdangan, Padre Burgos, Dolores, Sariaya, Tiaong, Candelaria, San Antonio, Pagbilao, Lucban, Mauban, Sampaloc, lungsod ng Luce...