Tagalog News: Mga kagamitan sa pagpoproseso ng pinya ipinamahagi ng DOLE

By Reyjun Villamonte

Wednesday 25th of April 2012
DAET, Camarines Norte, Abril 25 (PIA) -- Ipinamahagi kahapon ng Department of Labor and Employment o DOLE sa rehiyong Bicol ang mga kagamitan sa pagpoproseso ng pinya sa 95 benepisyaryo ng bayan ng San Lorenzo Ruiz.

Ito ay pinangunahan ni Regional Director Nathaniel V. Lacambra ng DOLE Regional Office V, Provincial Director Ernesto Pardo ng Department of Trade and Industry (DTI) dito, Chief Labor and Employment Ruben Romanillos, Provincial Field Officer ng DOLE Camarines Norte, at Punong Bayan Nelson de los Santos.

Ang mga benepisyaryo o informal sector ay kinabibilangan ng 25 miyembro ng kooperatiba ng Women and Families of San Lorenzo Ruiz Multi-Purpose Cooperative (WFSLRMPC), 60 magtatanim ng pinya, at 10 handicrafts makers na pinili ng Department of Trade and Industry.

Ayon kay Chief Labor Romanillos, ang mga kagamitan ay umaabot sa P530,978 na kung saan P397,978 ang mula sa DOLE at 20 porsiyento naman dito ang bahagi ng lokal na pamahalaan at kooperatiba at ng DTI na umaabot sa P133,000.

Layunin nito na madagdagan ang pinagkakakitaan ng mga kooperatiba, makagawa ng proyektong pangkabuhayan at magkaroon ng hanapbuhay ang mga magtatanim ng pinya, ayon pa rin kay Romanillos.

Samantala, pinaghahandaan na ngayon ng tanggapan ng DOLE ang bayan ng Santa Elena upang ipamahagi sa 471 benepisyaryo ang mga kagamitan sa itatayong meat shop at meat processing para sa Swine Union Innovative Society Multi-Purpose Cooperative ng nasabing bayan.

Ito ay proyekto ng DOLE ang Product Enhancement and Market Expansion of Pineapple By-Products sa ilalim ng programa ng DOLE Integrated Livelihood Program-Workers Income Augmentation Project para sa mga informal sector. (MAL/RBM/ROV-PIA 5, Camarines Norte)







Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters