Tagalog News: DILG Secretary panauhin sa ground breaking ng P10M proyektong patubig

By Reyjun Villamonte

Wednesday 15th of February 2012

DAET, Camarines Norte, Peb 15 (PIA)  --  Pinangunahan ni Secretary Jesse Robredo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang groundbreaking ceremony ng proyektong patubig o Salintubig Project na nagkakahalaga ng P10 milyon sa barangay San Pascual ng bayan ng Basud. Siya rin ang naglagay at nagbukas ng marker ng Seal of Good Housekeeping sa bayan ng San Lorenzo Ruiz at Talisay kahapon.

 

Noong taong 2010 ng Disyembre, pumasok ang DILG sa isang memorandum of agreement (MOA) sa Department of Health (DOH) at National Anti-Poverty Commission (NAPC) para sa implementasyon ng Provision for Water Supply na kilala rin bilang Salintubig (Sagana at Ligtas na Tubig para sa Lahat) Program.

 

Layunin ng programa na makapagbigay nang maayos na sistema ng patubig (water supply system) sa mga munisipalidad gayundin sa mga barangay na walang tubig, health centers, at resettlement sites.

 

Kabilang dito ang pagpapaunlad sa kapasidad ng mga local government units (LGUs)/water service providers sa pagpaplano, implementasyon,, at pamamalakad ng water supply facilities.

 

Sa ilalim ng kasunduan, ang DILG ay magiging responsible sa capacity development requirements ng mga LGUs at water service providers para sa pagpaplano, pagpapaunlad, at pagpapatakbo/pamamahala ng mga water utility services na pinondohan sa ilalim ng Salin Tubig Program.

 

Ang mga lalawigan at munisipalidad ang magpapatupad ng water supply projects, magsasagawa ng feasibility studies at engineering design, kukuha ng mga kontratista para sa civil works construction, at pangangasiwaan ang pasilidad.

 

Ang NAPC naman ang siyang bubuo ng monitoring and evaluation system at magsusumite ng mga ulat sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.

 

Pangungunahan naman ng DOH ang implementasyon ng mga infrastructure component kasama na ang pagrepaso, pagaproba, at pagpondo sa water supply systems. (MAL/RBM/ROVJ-PIA Camarines Norte). 

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters