Tagalog News: Libreng operasyon isinasagawa sa hospital saCamarines Norte

DAET, Camarines Norte, Peb 15 (PIA) -- Sinimulan noong Lunes ang limang araw na libreng operasyon sa may mga karamdaman sa pamamagitan ng surgical mission dito ng Bay Area Surgical Mission Association (BASMA).

 

Ito ngayon ay isinasagawa sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Gobernador Edgardo A. Tallado.

 

Ayon kay Community Affairs Officer IV Purita Briñas ng pamahalaang panlalawigan, ang BASMA ay nagbibigay ng boluntaryo at libreng operasyon sa mahihirap na mamamayan sa lalawigan na may malaking bukol sa leeg, braso, tiyan, at iba pang parte ng katawan.

 

Tinatawagan ang may mga kamag-anak o kakilala na may cleft plate, ob-gyne ailments at iba pang karamdaman na kailangang maoperahan agad ay magsadya sa naturang hospital para sa masusing konsulta sa operasyon ayon pa rin kay Briñas.

 

Dagdag pa niya na magkakaloob ng libreng general surgery para sa mga pasyenteng may bukol sa ulo at leeg, lumps and bumps, cleft palate, ob-gyne at iba pa.

 

Matatandaan na nagtungo rito ang BASMA bilang pagpapaunlak sa nauna ng liham-kahilingan ni Gobernador Tallado na muli silang magsagawa ng naturang proyektong pangkawanggawa.

 

Inaasahan na sa pamamagitan nito mas ibayo pang matutugunan ang pangangailangang serbisyo-medikal ng mahihirap dito sa lalawigan, makakilos at makapamuhay ng normal at magkaroon ng malusog at aktibong pangangatawan. (MAL/RBM/ROVJ/PIA Camarines Norte). 

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters