Tagalog news: Barangay Food Terminal binigyan ng mga kagamitan at kapital para sa pagpapaunlad ng negosyo

By Reyjun O. Villamonte Jr.

Friday 10th of February 2012

DAET, Camarines Norte,  Peb. 11 (PIA) -- Binigyan nung Huwebes ng mga ibat-ibang kagamitan at kapital para sa pagpapaunlad ng negosyo sa barangay ang tatlong Barangay Food Terminal dito sa lalawigan.

Kabilang sa mga kagamitan ang imbakan ng karne para sa matagal na proseso, timbangan, mga matitibay na lalagyan, panggiling ng karne at iba pang mga kasangkapan para magamit sa pagnenegosyo na nagkakahalaga ng P95,539 para sa bawat terminal.

Ganon din nagbigay ng dagdag kapital na halagang 50,000 bawat isang Food Terminal para sa produkto ng bigas na ibebenta sa kanilang mga barangay.

Ayon kay Provincial Barangay Food Terminal Coordinator Susana R. Cereno, Agriculturist II ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ng pamahalaang panlalawigan, ang mga kagamitan sa pagnenegosyo ay malaking oportunidad sa barangay para sa ibat-ibang pwedeng pagkakitaan sa kanilang lugar sa tulong ng proyektong Barangay Food Terminal.

Ang mga tumanggap ay kabilang sa mga hindi pa nabibigyan ng kagamitan sa pagnenegosyo kung saan may 8 Food Terminal na ang lalawigan ng Camarines Norte sa ilalim ng proyektong pangkabuhayan ng Department of Agriculture (DA).

Ang tatlong Baragay Food Terminal na nabigyan ay mula sa Country Side Agrarian Reform Beneficiaries (CARBS) ng barangay Maulawin ng bayan ng Sta. Elena, Rural Improvement Club (RIC) at Samahan ng Manggagawa at Mangingisda ng Banocboc (SMMB) sa bayan ng Vinzons.

Layunin ng Barangay Food Terminal na mailapit ang mga nagdadala ng produktong pang-agrikutultura sa mga mamimili ng barangay at makabili sa mababang halaga ganundin mabawasan ang ibat-ibang pamamaraan ng bilihan sa pamamagitan ng programa at magdagdagan ang kanilang produkto at pagkakakitaan. (RBM/ROV/PIA Camarines Norte)

 

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters