By Reyjun Villamonte
Wednesday 8th of February 2012
Kinakailangan sila ay makapag-renew bawat taon tuwing buwan ng Enero bago sumapit ang ika-24 ng nasabing buwan.
Ito ay batay sa Republic Act Bilang 9994 o ang batas na nagbibigay ng diskwento sa konsumo sa kuryente ng mga senior citizens.
Nakasaad sa nasabing batas na taun-taon ay kinakailangang i-renew ang aplikasyon para sa senior citizen discount sa distribution utility o electric cooperatives upang masiguro na sila ay maaari pang makakuha ng nasabing benepisyo.
Ipinahayag ni officer-in-charge general manager Engr. Socrates M.Balane ng CANORECO, sa mga hindi makakapag-renew matapos ang petsang nabanggit sila ay makakatanggap ng diskwento sa susunod na billing period at kailangan lang na magdala ng ID at barangay clearance para sa mga lumipat ng tirahan.
Dagdag pa niya na kapag ang isang senior citizen ay hindi makapag-renew pansamantala munang aalisin ang kanilang diskwento sa power bill.
Para sa mga hindi pa nakaka-aplay ng kanilang diskwento, patuloy pa rin ang CANORECO sa pagtanggap ng mga aplikasyon para sa senior citizen discount at magdala lamang ng mga kaukulang dokumento na kailangan sa pagpapatala. (RBM/ROV/PIA Camarines Norte)