Tagalog News: Groundbreaking ng istasyon ng pulis sa Daet isinagawa kahapon

By Reyjun Villamonte

Wednesday 8th of February 2012

DAET, Camarines Norte, Peb 8 (PIA) -- Isinagawa kahapon ang ground breaking ng istasyon o outpost ng pulis sa bayan ng Daet at ito ay agad nang sinimulang gawin ngayong araw dito.

 

Ito ay proyektong pangkumunidad ng Daet Lions Club at ng Philippine National Police (PNP) na magiging karagdagang pasilidad ng substation ng PNP sa nasabing bayan.

 

Ayon kay Jose Rene Ruidera, bise presidente ng Lions Club of Daet, layunin ng proyekto na mapadali ang mga dumudulog sa pulisya at magiging mabilis ang pagtugon sa krimen.

 

Sinabi ni Police Inspector Christopher E. Gonzales, Chief Police Community Precinct I ng substation sa PNP Daet, magtatalaga dito ng dalawa hanggang tatlong pulis na magrerelyebong magbantay ng 24 oras.

 

Dagdag pa ni Ruidera, nakatakdang bigyan ng kanilang organisasyon ang nasabing outpost ng motorsiklo at radyo na pangkumunikasyon at iba pang pasilidad na kailangan upang mapaganda ang tanggapan.

 

Dahil dito, madali ng maisasagawa ang mabilisang pagtulong sa mga barangay na magpapaabot ng kanilang reklamo at sumbong dahil na rin madali na itong matatagpuan sa centro ng Daet. (MAL/RBM/ROV, PIA Camarines Norte) 

Tags:   [ Pulis Daet ]
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters