Tagalog News: Programang pang-agrikultura isinusulong sa Multi Services Caravan

DAET, Camarines Norte, Peb 3 (PIA) -- Patuloy na isinusulong ngayong taon ang mga programang pang-agrikultura sa pamamagitan ng Multi-Services Caravan sa pangunguna ni Gobernador Edgardo Tallado. Ito'y upang mailapit sa mga barangay ang ibat-ibang programa ng pamahalaang panlalawigan kabilang ang mga pagsasanay at pagbibigay impormasyon para sa makabagong teknolohiya sa pagsasaka at pag-aalaga ng isda.


Ayon kay acting provincial agriculturist Francia C. Pajares ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), pangunahing programa ang pagbibigay ng impormasyon sa pagpapaunlad ng tanim para makaiwas at masugpo ang anumang sakit at peste na makakasira sa pananim.

 

Sinabi niya na nagpapautang rin ng puhunan sa pamamagitan ng Agricultural Production Loan Program para sa pinya, palay ,at mais at ganoon din nagsasagawa ng pagsasanay sa pagpapaunlad ng iba pang programang pang-agrikultura.

 

Patuloy rin ang programa sa pagsusuri, pagsasanay, at pagbibigay kaalaman para sa rural-based organizations sa pagbuo at pagpapalakas ng samahan ng mga magsasaka at mga kababaihan tulad ng Rural Improvement Club ganundin ang 4-H club at mga kooperatiba.

 

Isinasagawa rin ngayon taon ang pagsasaliksik sa mga pananim na angkop sa kondisyon ng lupa at panahon na magpapalawig ng kita ng mga magsasaka. Sa pamamagitan ng "demo farm," makikita  ng mga magsasaka ang epektibong pamamaraan ng pamilihan at  makabagong teknolohiya at magpaparami ng mga punla at pananim kasama din dito ang Nursery Management, Corn Production, at pagpaparami ng binhing palay.

 

Mayroon din nagpapa-upa ng makinarya sa mga magsasaka, mga imprastraktura sa patubig tulad ng Communal Irrigation Projects,Small Scale Irrigation Project Dam, at pagpapautang sa mga samahan ng mga magsasaka ng shallow tube well, at pagsasa-ayos ng mga kalsada para mapadali ang transportasyon ng mga produktong pang-agrikultura.

 

Patuloy din ang programa sa pagpapaunlad sa palaisdaan at sa ibat-ibang lutuin ng mga ibat ibang klase ng putahing isda. (MAL/RBM/ROVJ,PIA Camarines Norte)

 

 

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters