Tema ng selebrasyon ang “JOMAPA: Seeing the Bright future through the Lens of Compassion, Integrity and Service.”
Nauna rito nagpalabas ng isang Atas Tagapagpaganap bilang 2012-01 si Gobernador Edgardo A. Tallado na naghihikayat sa selebrasyon ng ika-149 kapanganakan ng naturang bayani sa lalawigan.
Ayon kay Museum curator Abel C. Icatlo ng nasabing tanggapan, ang lecture forum ay isinagawa sa Little Theater ng kapitolyo probinsiya at dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa pribado at pampublikong paaralan sa elementarya.
Tinalakay sa lecture forum ang kasaysayan at talambuhay ni JOMAPA kaugnay sa mga kabayanihang ginawa niya sa kalayaan ng Pilipinas noong panahon ng Espanyol.
Si JOMAPA ay isang manunulat at isa sa mga bayani sa panahon ng Espanyol na nakilala rin bilang Avenger of Filipino Honor.
Siya ay ipinanganak noong ika -1 ng Pebrero, 1863 sa isang bayan na sa kanya rin ipinangalan na dating tinatawag na Mambulao na ngayon ay Jose Panganiban. (MAL/RBM/ROVJ-PIA Camarines Norte)