Tagalog news: Pagbabawal sa pagmimina sa bayan ng Paracale ipinaliwanag ng MGB

By Rosalita B. Manlangit

Monday 16th of July 2012
DAET, Camarines Norte, Hulyo 16 (PIA) -– Ipinaliwanag ni Engr. Danilo Sombanon ng Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (MGB-DENR) sa isinagawang sesyon ng Sanguniang Panlalawigan noong Huwebes, Hulyo 12 kung bakit ipinagbawal ang pagmimina sa bayan ng Paracale.

Ito ay sa harap ng pag-apila ng mga financers at minero ng small scale mining sa Sanguniang Panlalawigan upang maibalik na ang pagmimina sa naturang bayan matapos itong ipagbawal ng Disyembre ng nakaraang taon.

Sinabi ni Sombanon na lubha ng mapanganib ang pagmimina lalong lalo na sa barangay Palanas ng naturang bayan matapos magkaroon ng insidente at naging sanhi ng pagkamatay ng dalawang minero base sa ulat na nakarating sa kanilang tanggapan.

Ayon sa kaniya ng nagkaroon ng blasting nadamay ang boundary wall ng dagat at ng minahan kung kayat nakapasok ang tubig dagat sa ilalim ng minahan na naging sanhi ng pagkalunod ng mga biktima.

Sa apila naman ng nasabing grupo sa opisina ni Gob. Edgardo Tallado naging kasunduan na magpapadala ng petisyon sa MGB-DENR ang mga financers at mga minero na humihiling na ibalik ang pagmimina sa naturang bayan. (RBM/PIA Camarines Norte)


Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters