Ang pagbuo ng konsehong Provincial Committee for the Welfare of Disabled Persons (PCWDP) ay kasabay na rin ng pagbabago ng pangalan nito na Provincial Council on Disability Affairs (PCDA) na pangungunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).
Ang pagpupulong ay ipinatawag ni Governor Edgardo Tallado ng pamahalaang panlalawigan dito.
Layunin ng konseho na suportahan ang prinsipyo ng “localization” ng implementasyon ng United Nations Convention on the Rights of Person with Dissabilities (UN-CRPD). Ito ay ang unang ligal na binding international instrument to adopt a “right-based” approach to disability.
Ang Pilipinas ang ika-23 bansa na nagpatibay ng kasunduan na ito simula ng maaprobahan noong ika-30 ng Marso taong 2007.
Ganoon din ang layon ng konseho na makapagtatag nang malakas na pagtutulungan ang pribado at pampublikong sektor para sa implementasyon ng accessiblaity law, discounts ng PWDs, at iba pa mga batas.
Kasama rin dito ang pagtatag ng Persons with Disabilities Office sa mga lokal na pamahalaan sa mga 12 bayan ng lalawigan kasama ang provincial office base sa nakasaad sa Section 40 (B) (1) ng Republic Act 7277 ang Magna Carta for Persons with Disabililty na naamyendahan ng RA 10070. (MAL/RBM-PIA Camarines Norte).