Tagalog News: Mahigit 400,000 binhi ng puno naitanim sa ilalim ng National Greening Program ng nakaraang taon

By Rosalita B. Manlangit

Wednesday 1st of February 2012

DAET, Camarines Norte, Enero 1 (PIA) -- Mahigit sa 400,000 binhi ng ibat-ibang uri ng puno ang naitanim nitong nakaraang taon sa ilalim ang National Greening Program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Camarines Norte.

 

Sinabi ni Provincial Environment and Natural Resources officer Elpidio Orata na ang mga naturang binhing puno ay naitanim sa mahigit 600 ektaryang lupa sa tulong ng 3,215 kataong nagtanim.

 

Ito ay isa sa pangunahing programa ng DENR kung saan layunin nito na maiangat ang buhay ng nakatira sa kabundukan ganon din ang kanilang uri ng pamumuhay kasama na rin ang mga mahihirap na nakatira sa kapatagan.

 

Sa proyektong NGP ay napaunlad ang kabundukan sa pamamagitan ng mga itinanim na mga punong namumunga ng prutas na sa kalaunan ay makakapagbibigay ng pagkain, kagamitan, at ibang serbisyo at ganon din makakatulong sa climate change.

 

Ang mga nataniman ng mga puno sa ibat-ibang panig ng lalawigan ay binabantayan ng mga piling organisasyon at technical assistance ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) at ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO).

 

May mga programa at proyekto rin ang naisagawa ng nakaraang taon upang mapanatili at mabigyan ng proteksiyon ang natural na yaman sa pamamagitan ng ibat ibang pagpapaunlad ng eco-systems ng lalawigan.

 

Kabilang rin dito ang patuloy na implementasyon at pagbabantay ng Bicol River Basin Watershed Management Project (BRWMP) upang maibalik ang mga nakalbong kagubatan sa pamamagitan ng upland reforestation at pagbibigay ng assistance sa Natural Regeneration at Agropforestry sa tulong ng non-governfment organizations (NGOs) at people’s organizations (POs).

 

Ganon din ang pagbabantay ng 23 proyekto ng BRBWMP, dalawang proyekto ng agro-forestry , pitong assistance sa  natural regeneration projects, 11 proyektong pagtatanim sa kabundukan, tatlong pagmamantini at proteksiyon ng mga nataniman na.

 

Kasama rin dito ang pagpapaunlad ng mga watershed areas sa bayan ng Basud at San Lorenzo Ruiz, pagpapatuloy ng World Bank Funded Bicol Natural Park Rehabilitation Program at ganon din ng mga Comprehenstive Agrarian Reform Program (CARP) Funded Project. (MAL/RBM, PIA Camarines Norte)

 

 

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters