Tagalog News: Emergency schedules, ipinatupad sa ilang pampublikong paaralan sa Lungsod ng Naga

By Ana-Liza S. Macatangay

Tuesday 5th of June 2012
LUNGSOD NG NAGA, Hunyo 5 (PIA) -- Upang mapagbigyan ang lahat ng mag-aaral sa kanilang mga klase sa harap ng kakulangan ng silid-aralan, agad na gumawa ng emergency schedules o "half-day sessions" ang Naga Central School para sa mga mag aaral ng Grade 1 at Grade 2 sa Naga Central School.

Ito ay dahilan sa umabot sa total na 3,625 ang total enrolees sa naturang paaralan, na may 20 sections sa kindergarten, 15 section sa Grade 1, at karagdagang sections para sa higher grades.

Ayon kay Teresita Diko, Naga City Central School Principal, malamang abutin sila ng tatlong buwan bago tuluyang maibalik sa normal ang naturang iskedyul. Inaasahan na sa loob ng naturang panahon ay matatapos na rin ang three-storey building na ginagawa upang magamit ng mga mag aaral. Kasabay nito ay pupunan din ang kakulangan ng mga guro para sa mga karagdagang classrooms.

Sa Camarines Sur National High School (CSNHS) ay umabot naman sa halos 7,000 mag aaral ang nag-enroll ngayong pasukan. Ito ay katumbas ng 60:1 ratio sa bawat klase. Ayon kay Dr. Nelly Abad, CSNHS Principal, walang nakalaan na karagdagang classrooms sa kanilang paaralan kung kaya't hindi na rin nila tinanggap ang ilang transient enrollees.

Sa isang panayam ay ipinarating din ni Dr. Jose Doncillo, Assistant Schools Superintendent for Elementary Schools dito sa lalawigan, na patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa lahat ng pampublikong paaralan sa elementarya upang malaman ang ilan pang suliranin at agad na mabigyan ng kasagutan ang mga problemang kailangan ng agarang solusyon.

Ayon sa listahan ng Kagawaran ng Edukasyon, umabot lamang sa 20.48 million ang naging total enrollment sa mga pampublikong paaralan subalit ngayong taon ay tumaas ito ng 21.49 million. Ito ang bilang ng mga mag aaral na dumagsa sa ibat ibang pampublikong paaralan sa bansa sa pagbubukas ng klase kahapon.

Ang pagdagdag ng mga enrollees ay bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng matrikula sa mga pribadong paaralan. Inaasahan naman ng mga magulang na agad na mabibigyan ng kasagutan ang problema sa kakulangan ng silid-aralan at mga guro. (LSMacatangay-PIA Camarines Sur)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters