Kasali sa mga nabigyan ng libreng mga binhi ang mga miembro ng indigenous groups o mga indigenous people so IPs na naninirahan na rin ng matagal sa naturang bayan. Maliban sa mga binhi ay namigay din ng mga fertilizer inputs ang lalawigan.
Ang mga naturang benepisyaryo ay miembro ng community-based organizations o CBOs mula sa mga barangay ng Villaflorida, Hanawan , Cabariwan, La Purisima Nuevo, Old Moriones, Ayugan, Cagmanaba, San Roque Communal , Hibago , San Francisco, at May Ogob.
Sa pagpapatuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan na ayusin ang agricultural sector ,ay mahigit 6,000 mga magsasaka ng mais, palay, mga livestock raisers, at mga magsasaka ang nabenipisyuhan na ng programa sa agrikultura na isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Camarines Sur.
Isa sa mga isinusulong na proyekto ng lokal na pamahalaan ay ang pagbigay ng mga buto ng gulay at mais sa ibat ibang pamayanan sa lalawigan.
Bilang bahagi din ng proyekto ay ang livestock raising partikular sa mga miembro ng CBOs, kasabay ng pamimigay ng mga kambing at manok upang alagaan at paramihin.
Ang ibang magsasaka na naka base sa upland areas ay nakatanggap naman ng mga kagamitan sa pagsasaka
Sa kasalukuyan, ay mahigit sa 6,000 magsasaka ng palay at mais, maging mga livestock raisers at mga mangingisda ang nakikinabang sa programa sa agrikultura na patuloy na ipinapatupad ng lokal na probinsya ng Camarines