Tagalog News: Naga, nagbigay pugay sa kultura at sining

By Danilo C. Abad

Friday 24th of February 2012

LUNGSOD NG NAGA, Peb.24 (PIA) -- Kaugnay ng pagdiriwang ng National Arts Month ngayong Pebrero 2012, ay nagbigay ng pagpupugay ang ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Naga sa kahalagahan sa kultura at sining ng mga Nagueño.

 

Ayon kay Acting City Mayor Gabriel H. Bordado, Jr., tungkulin ng publiko na mamulat sa kahalagahan ng kultura at sining lalung-lalo na ng mga kabataan na siyang magbibigay ng pag-asa at pag-asenso ng komunidad.

 

Sinabi ni Bordado na patuloy na binibigyan ng atensyon ng pamahalaan ng Lungsod ng Naga sa pamumuno ni alkalde John G. Bongat ang kultura kung saan parte nito ang mga tradisyong panrelihiyon at mga katangiang naiiba sa mga kaugalian sa iba’t-ibang lugar sa mundo.

 

Ipinahayag naman ni Zaida Sancho ng Tourism Culture and Arts office ng Naga City na ilang mga programa na ang nakalinya sa culminating activities ng month-long celebration dito sa lungsod. Isa na dito ang ginawang lecture ni Carlo Arejola ng National Arts Commission na ginanap noong nakaraang araw sa Naga City Public Library.

 

Ngayong araw Pebrero 23 hanggang 26 gaganapin ang Festival of Talents sa Naga City Coliseum kung saan magkakaroon ng display ng mga seryeng Bikol Komiks at sa closing program magkakaroon din ng cultural show sa Plaza Quezon sa Pebrero 26 ng gabi.

 

Samantala, bahagi rin ng pagririwang ng National Arts Month ay ang matagumpay na selebrasyon ng Tinagba Gayon Bicol 2012 Festival of Festivals sa lungsod ng Iriga noong Pebrero 11. Libo-libong manonod ang nakisaya sa araw ng pagdiriwang sa nasabing lungsod . (MAL/LSM/DCA, PIA Camarines Sur)

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters