Ayon kay Naga City Councilor Maria Elizabeth Q. Lavadia, ang may akda ng naturang ordinansa, naging positibo naman anya sa publiko ang panukala na ibawal ang paggamit ng plastic bags sa dry goods at bantayan ang paggamit ng plastic bag sa wet good section. Sinuportahan din ng mga dumalo sa naturang hearing ang ipagbawal ng paggamit ng Styrofoam sa mga mall, groceries, at iba pang mga establisimiento.
Ayon kay Konsehal Lavadia, kumakalat na ang mga plastic bags at Styrofoam sa kalye at sakahan na naging sanhi ng pagkabara ng estero kung kaya tuwing umuulan ay bumabaha sa ibang parte ng lungsod.
Dumalo sa konsultasyon ang mga negosyante sa Naga City People’s Mall, pati na rin ang mga kinatawan ng mga pribadong malls sa lungsod at mga residente ng lungsod.
Nagpahayag naman ng suporta ang Filipino-Chinese business group at ang Naga City Chamber of Commerce and Industry sa pamumuno ni Philip Imperial.
Layunin ng lokal na pamahalaan na mabawasan kung hindi lubos na maalis ang paggamit ng plastic at gumamit na lamang ng mga aternatibong pambalot