SAN JOSE, Camarines Sur Peb.17 (PIA) - - A total of 216 couples na residente ng bayan ng San Jose, Camarines Sur ang ikinasal kaninang 9:00 a.m. sa Cultural Center ng naturang munisipyo. Si Alkalde Tony Chavez ang nanguna sa ginawang Kasalan Bayan 2012 o civil mass wedding.
Ang mga ninong sa mass wedding ay sina Gobernador L-Ray Villafuerte, Vice-Governor Fortunato Peña, at ang Gawad Urian at FAMAS award-winning Filipino actor na si Ariel Aquino “Aga” Muhlach.
Ayon kay Mayor Tony Chavez, dalawang taon na itong ginagawa simula ng manungkulan siya bilang punong bayan, isa ito sa kanyang mga sinimulang programang upang maging ganap na legal ang pagsasama at pagbigkis ng mga magpapareha na magkasama sa isang bubong subalit walang basbas ng matrimonyo ng kasal.
Sinabi niya na tumaas ang bilang ng nagpakasal ngayong taon kumpara noong 2011 na umabot sa 193 couples lamang.
Sa mga naitalang pares ng Local Civil Registry Office na ikinasal ngayon, may edad na 52 ang lalaki at babae na pinakamatanda samantalang 18 taong gulang naman ang pinakabatang mag nobyo na sumali sa Kasalan Bayan 2012.
Nagpasalamat naman ng magkabiyak na si Mr. & Mrs. Jumel De Mesa ng barangay Calalahan sa lokal na pamahalaan sa napakahalagang araw na ito sa kanila dahil nabigyan sila ng pagkakataon na maipakasal sa kabila ng kanilang kagipitan.
Pagkatapos ng semonya, agad rin namigay ng mga surprisang regalo at salo-salo si Mayor Chavez sa mga bagong kasal bilang simbolo ng kanilang pagiging legal na mag asawa. (LSM/DA-PIA Camarines Sur)