Tagalog News: 200 kabataang, inaasahang lalahok sa 9th National Youth Parliament

LUNGSOD NG NAGA, Peb.17 (PIA) - -  Tinatayang 200 kabataan na may 15-30 taong gulang  mula sa lahat ng rehiyon at sektor ang sasali at makilahok sa gaganapin na 9th Parliament of Youth Leaders na gaganapin dito sa Lungsod ng Naga sa unang linggo ng Mayo 2012.

 

Pangungunahan ng National Youth Commission (NYC) ang pagtitipon ng mga kabataan na may temang “Revolutionizing Youth Development.” Ito ay may layunin na gumawa ng mga policy recommendations upang maging batas para sa ikakaunlad ng mga kabataan Filipino.

 

Noong Lunes, Pebrero 13,  nagkaroon ng Special Regional Advisory Council meeting na ginanap sa Universidad de Sta. Isabel dito sa Lungsod ng Naga. Ito ay pinangunahan nina  NYC Executive Director Apolonio Maleniza ll at ni Nydia Paladan-Delfin, NYC Southern Luzon Area Officer na naka base dito sa Naga City.

 

Ayon kay Director Maleniza , isa itong malaking pagkakataaon sa mga Bicolanong  Youth Leaders na maitaas ang kanilang kakayahan at maging active contributor para sa ikakaunlad ng ating bansa. Hiningi rin nito ang tulong ng bat-ibang ahensiya ng gobyerno sa pagpalaganap ng paanyaya sa mga kabataan na lumahok sa nasabing aktibidad para maipakita ang kanilang leadership skills at ibahagi ang mga importanteng issues tungkol sa mga kabataan ngayon.

 

Sinabi rin ni Nydia Delfin na ito ay bukas sa mga aplikanteng Kabataan Bikolano na may 15-30 taong gulang, kasalukuyang miyembro ng organisasyon, at may good moral character. Pwede rin bumisita sa kanilang tanggapan sa Naga City Youth Center, Taal Ave., Naga City o tumawag sa telephone no. 811-5804. Mayroon din silang e-mail : nyc9@nyc.gov.ph o facebook account na NYC.

 Ang National Youth Parliament ay gaganapin sa loob ng tatlong araw. Ito ay ginaganap bawat ikalawang taon. ( MAL/LSM/DCAabad, PIA-Camarines Sur)

 

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters