Tagalog News: Development teams itinatag ng 9th Infantry Division sa Bicol

By Danilo C. Abad

Friday 10th of February 2012

PILI, Camarines Sur, Peb.9 (PIA) - -  Nagtatag ng development teams ang 9th Infantry Division, Philippine Army sa pamumuno ni Major General Josue Gaverza upang ikalat sa buong Bicol region lalo na sa malalayong lugar ang isang grupo na tutulong upang mabigyan ng solusyon ang mga hinaing ng taong bayan.

 

Pinangunahan ito ng Civil Military Operations (CMO) ng 9th ID ang siyang makikipag-ugnayan sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan, mga local government units (LGUs) at mga non government organizations (NGOs) na siyang kaakibat sa paglutas ng mga problema lalo na sa peace and development concerns sa rehiyon.

 

Ayon kay CMO Batallion Commander ng 9th ID, Col. Nenevie Alcomendas, isa itong paraan na maiparating sa mga taong bayan ang mga programang pangkaunlaran na ginagawa ng kasundaluhan sa buong rehiyon.

 

Kaugnay nito nagkaroon ng inauguration ng media center kahapon sa nasabing kampo, upang bigyan halaga ang papel ng media sa paglalalaganap ng mga programa ng kasundaluhan gaya ng paghahatid ng health services, information drive, community outreach programs at mga programang pangkapayapaan at pangkaunlaran ng pamahalaan.

 

Naging bisita si Col. Mike Buhat ang assistant chief of staff for Civil Military Operations at grupo ng media sa lalawigan ng Camarines Sur at karatig na probinsiya sa nasabing okasyon.

 

Ang Civil Military Operations group ay may layunin na tumulong at pangalagaan ang karapatang pantao ng bawat Pilipino. (LSM, Danilo Abad-PIA Camarines Sur)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters