Tagalog news: Diarrhea outbreak idineklara sa bayan ng Virac

VIRAC, Catanduanes, Hunyo 13 (PIA) -- Idineklara ng Sangguniang Bayan (SB) ng Virac noong Lunes, Hunyo 11, ang diarrhea outbreak sa bayan, sanhi ng sunod-sunod at dumaraming kaso ng diarrhea sa iba't ibang barangay ng bayan.

Ganap na 2 p.m. nang ipasa ng SB ang isang resolusyon na nagdedeklara sa buong bayan ng Virac ng Diarrhea outbreak base na rin sa rekomendasyon ni Dr. Arlene Arcilla, Virac rural health doctor/municipal health officer.

Layunin din ng pagpupulong ng SB ang mabigyan ng awtoridad ang lokal na pamahalaan upang magamit ang lahat ng bagay upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong residente tulad ng gamot at pondo para sa pagsasagawa ng “massive information campaign.”

Sa ulat ni Dr. Hazel Palmes, spokesperson ng Provincial Health Office, simula Enero ng taon hanggang unang bahagi ng Hunyo, mahigit 2,000 sa buong probinsya na ang naitalang kaso ng diarrhea at aabot sa 14 dito ang namatay kung saan karamihan ay nagmula sa bayan ng Virac.

Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawang “information education campaign” (IEC) ng mga kawani ng provincial health office (PHO), rural health centers, at mga district hospitals hinggil sa tamang paghuhugas ng kamay, pagpapanatili ng kalinisan, at ligtas na pagkukunan ng maiinom na tubi.

Kasalukuyan ding nagsasagawa ng pagrarasyon ng maiinom na tubig na mayroong chlorine ang pamahalaang panlalawigan sa mga apektadong barangay ng Virac.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng PHO sa Department of Health sa lalawigan at sa mga “water districts” upang masiguro ang kalinisan ng pinagkukunan ng tubig na ginagamit ng mga mamamayan.

Nakikipagtulungan na rin ang Department of Education sa IEC sa mga mag-aaral.

Nakatakda namang magpalabas Department of Education ng isang memorandum sa lahat ng school administrators, supervisors, at principals na nag-uutos na patuloy na imonitor ng mga pagkain na ibinibenta sa mga school canteens at siguraduhing malinis ang mga binebenta sa mga school canteens.

Nananatili namang nakaantabay ang mga lokal na opisyal para matugunan ang mga pangagailangan ng mga nabiktima ng diarrhea. (EAB-PIA Catanduanes)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters