Tagalog News: 150 beterano ng WWII, nabiyayaan ng medical mission

By Edna A. Bagadiong

Wednesday 22nd of February 2012

VIRAC, Catanduanes, Peb. 22 (PIA) -- Mahigit 150 beterano ng ikalawang digmaang pandaigdig at mga asawa nila ang nabiyayaan ng librang medikal at dental na check-up na isinagawa noong Pebrero 8 sa Veterans Center, Provincial Capitol Compound.

 

Ang 135 sa kanila ay may mga kasong medikal samantalang ang 15 ay may kasong dental na natulungan ng isang grupong pinamunuan ni Retired Colonel Jose Sorreta.

 

Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-67 anibersaryo ng Liberation ng Catanduanes kung saan ito pinangunahan ng pampamahalaang lalawigan ng Catanduanes sa pamumuno ni Gobernador Joseph C. Cua, Veterans Federtaion of the Philippines, Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) Field Service and Extension Office sa lalawigan.

 

Isang misa naman ang isinagawa sa provincial capitol dome matapos makansela ang wreathlaying ceremony na gaganapin sana sa Plaza Rizal dahil sa hindi magandang panahon.

 

Ang mga nanguna sa medical at dental mission ay sina Alex Gurrobat, (mga doktor) Dr. Marilyn Raquid, Dr. Aly Romano, Dr. Elmer Tatad at Dr. Joel Villegas; (dentista) Dr. Azucena Teano, Dr. Amylou Celso at Hidelita Posada; (nurses) Eleer Yco, Myrna Carilimdiliman, Ma. Theresa Abundo, at Jenifer Casallo, (volunteers) Juvy Trinidad, Jeany Tabuzo, Ana Rose Arador at Cesar Tabuzo.

 

Malaki naman ang pasasalamat ng mga beterano at kanilang pamilya dahil sa pagpapahalagang ibinigay ng mga sumuporta sa naturang aktibidad. (MAL/EAB-PIA Catanduanes)

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters