Tagalog News: Soft projects ng mambabatas, malaking tulong sa mahihirap

VIRAC, Catanduanes, Peb 13 (PIA) --  Malaking bahagi ng ‘soft’ projects ng isang kongresista mula sa rehiyong timog ang namamahagi ng tulong sa mga mahihirap na nangangailangan ng tulong medical, mga nasa krisis, at para na rin sa mga salat sa buhay.

 

Sa mahigit P15 milyong alokasyon para sa ikalawang bahagi ng 2011, sinimulan nang ipamahagi ng Department of Budget and Management (DBM), mahigit sa P8,050,000 ang inilaan ni  Cesar V. Sarmiento, kongresista, para sa naturang assistance particular na sa Comprehensive Integrated Delivery of Social Services (CIDSS) program.

 

Mahigit P4.5 million ng naturang pondo ang inilaan para sa mga indibidwal na nakakaranas ng krisis at para na rin sa mga mahihirap na mamamayan sa pamamagitan na rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region V at mahigit P300,000 naman ang mula sa DSWD central office. Sakop na rin nito ang pagbibigay ng emergency shelter assistance para sa mga biktima ng kalamidad.

 

Nagbigay naman ng P1 milyon bilang tulong pinansyal para sa in-patients at out-patients sa Eastern Bicol Medical Center (EBMC) ang provincial government.

 

Bukod dito, patuloy rin ang pagbibigay ng kongresista ng tulong pinansyal sa mga municipal governments na may kabuuang halaga ng P2,250,000.

 

Ayon sa kongresista, ang naturang programa at initiatibo niya ay naglalayong mapagaan ang pamumuhay ng kanyang mga nasasakupan at sa pamamagitan umano nito, hindi na nila kailangang pumunta pa sa Congressional District Office at sa halip ay dumiretso na lamang sa kani-kanilang MSWDO. (MAL/EAB, PIA Catanduanes)

Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters