Tagalog news: Anti-poverty projects sa Masbate pagpapasiyahan sa isang inter-barangay forum

LUNGSOD NG MASBATE, Peb. 9 (PIA) -- Magkakaroon ng malaking pagtitipon sa isang bayan ng lalawigan ng Masbate para sa isang talakayan kaugnay ng pagtugon  ng administrasyong Aquino sa kahirapan sa kanayunan.


Inaasahang dadalo sa pagtitipon sa bayan ng Mobo sa darating na Pebrero 15 ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at barangay officials.


Ibinahagi ni Grace Ann Penetrante, ang coordinator ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o Kalahi-CIDSS sa bayan ng Mobo na ipi-presinta ng mga namumuno sa pamayanan ang mga proyektong hinihiling ng mamamayan.

 

Ayon kay Penetrante, pagpapasyahan sa pulong ang mga proyektong uunahing gastusan ng pondo ng KALAHI-CIDSS.

 

Bukod dito, magsisilbi din itong pagkakataon na maihayag ng mga ahensya ang kanilang maitutugon sa pangangailangan ng mga mahirap na pamayanan na hindi pa kasama sa KALAHI-CIDSS.

 

Inorganisa ng Department of Social Welfare and Development at lokal na pamahalaan ang naturang pagtitipon bilang bahagi ng proseso ng KALAHI-CIDSS.(MAL/EAD, PIA Masbate)

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters