Tagalog news: Serbisyo ng na-upgrade na DWPH unit sa Ticao mas gaganda
LUNGSOD NG MASBATE, Hulyo 31 (PIA) -- May dahilan ang mga kawani ng Department of Public Works ang Highways sa Isla ng Ticao na magdiwang at lalo pang maglingkod sa taumbayan kasunod ng pag-upgrade sa kanilang tanggapan.
Ayon kay Elmer Redrico, officer-in-charge district engineer, ang pagpapataas ng kanilang sub-district office bilang “full-fledged” engineering unit ay nangangahulugang regular budget, full-staff complement, at mayroong mga benepisyo sa mga kawani na kaakibat ng upgrade.
Ang bagong estado, aniya, ay magbibigay sa DPWH unit nang karagdagang flexibility sa operasyon nito at magtatanim sa mga kawani nang dagdag na tiwala na maisasalin sa mas magandang paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan ng Ticao at isla ng Burias.
Sinabi ni Public Information Officer-designate Gina Lazaro-Ty na ang upgrade ng DPWH office sa Ticao ay inihayag ni Flocerfida Azotea, DPWH regional office chief administrative officer kasunod ng implementasyon ng rationalization plan ng ahensiya kung saan napunan ang 52 bakante sa tanggapan sa Ticao.(MAL/EAD-PIA 5, Masbate)
Number of Comments: 0