Tagalog news: Agri-Pinoy umani ng papuri sa lalawigan na net importer ng bigas

By Ernesto A. Delgado

Tuesday 3rd of July 2012
LUNGSOD NG MASBATE, Hulyo 3 (PIA) -- Pinasalamatan ni Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete ang Agriculture Secretary sa malaking ambag ng Agri-Pinoy Program nito sa anya’y modernisasyon ng pagsasaka sa Masbate.

Ang pagkilala sa suporta ni Secretary Proceso Alcala sa Masbate ay ginawa ng gobernadora sa kanyang "state of the province address" sa pagtitipon na idinaos sa harap ng Kapitolyo ng lalawigan nang nakaraang sabado.

Binanggit ni Lanete ang pagpunta sa Masbate ni Alcala ng dalawang beses ngayong taon upang personal na alamin at lutasin ang mga kakulangan sa agrikultura sa lalawigan.

Bunsod nito, mababawasan aniya ang aangkating bigas ng Masbate dahil 21 porsyento ang aniya’y itinubo ng "rice self-sufficiency level" sa lalawigan – mula 65 porsiento, ito ay umigpaw sa 78.68 porsiento.

Ang pagiging net importer ng bigas ng Masbate ay maaring magwakas na dahil ayon sa gobernadora, maglalabas ang kagawaran ng pagsasaka ng pondong P21 milyon para sa mga bagong sistemang irigasyon sa lalawigan.

Binanggit din ni Lanete ang mga kagamitan, bagay, at puhunan na nagkakahalaga ng P12.8 milyon na ipinamahagi ni Alcala sa mga magsasaka at mangingisda nang ang kalihim ay magdaos ng Agri-Pinoy forum sa lungsod ng Masbate nang nagdaang Pebrero. (MAL/EAD-PIA 5, Masbate)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters