Tagalog news: Koleksyon ng service fees sa DOJ-Masbate, sinuspende

By Ernesto A. Delgado

Monday 2nd of July 2012
LUNGSOD NG MASBATE, Hulyo 2 (PIA) -- Kinumpirma noong Hunyo 29 ng Department of Justice-Masbate na itinigil na ang pagkolekta ng legal at docket fees sa mga indibidwal na nagsasampa ng reklamo.

Ayon kay collection officer designate Fe Almodiel, ang pagtigil o suspension sa koleksyon ay inuutos ni Masbate City Chief Prosecutor Edmundo Legaspi bilang pagtalima sa direktiba ni Justice Secretary Leila De Lima.

Sa Department Circular 25, pinawalang-saysay ng kalihim ng katarungan ang apat na naunang kautusan ng DOJ na nagpapataw ng karampatang docket fees sa iba't ibang kasong kriminal.

Bago ang kautusan ni De Lima, ang nagsasampa ng kaso sa DOJ ay kailangang magbayad ng hanggang P5,000 bilang legal fees na ibinibigay bilang special allowances sa mga state prosecutors alinsunod sa Republic Act 9279.

Ayon kay De Lima, hindi na kailangan magkolekta ng legal at docket fees dahil natanggap na ng mga state prosecutors ang 100% increase sa kanilang basic salaries bunsod ng pagpapatupad ng Salary Standardization Law.

Ikinatuwa naman sa Masbate ang hakbang na ito ni De Lima. Nagkakaisa ang ilang kliyente ng DOJ na kinunan ng local media ng reaksyon sa pagsabi na pinagaan ni De Lima ang paghahanap ng hustisya ng mga biktima ng krimen. (MAL/EAD-PIA Masbate)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters