Tagalog News: Pinaghihinalaang kaanib ng armadong grupo ng manggugulo sa eleksyon sa Masbate, arestado

By Ernesto A. Delgado

Wednesday 20th of June 2012
LUNGSOD NG MASBATE, Hunyo 20 (PIA) -- Nabawasan ang talaan ng mga pinaghihinalaang kaanib ng "private armed groups" sa lalawigan ng Masbate kasunod ng pagkaaresto kamakailan sa isang lalaki na nag-iingat umano ng mga baril at mga bala sa kanyang bahay.

Ayon sa spokesman ng Masbate Provincial Police Office na si Senior Inspector Lope Badillo, tatlong .38-kalibreng baril ang nasamsam ng mga pulis na sumalakay sa bahay ng isang Joey Juab sa Barangay Pinamughaan sa bayan ng San Fernando.

Pinaniniwalaang marami pang armas ang itinatago ng suspek dahil bukod sa tatlong .38-kalibreng baril, nasamsam din sa naturang bahay ang mga bala para sa iba’t ibang kalibre ng baril.

Ang San Fernando na bahagi ng unang distrito ng Masbate ay isa sa mga bayan na itinuturing ng Commission on Elections at Philippine National Police na "hot spots" sa mga nakaraang lokal na eleksyon dahil sa panggugulo ng mga armadong grupo.

Ayon kay Badillo, ang isinagawang raid sa bahay ni Juab ay bahagi ng maigting na paghahanda ng pulisya upang mapangalagaan ang papalit na eleksyon mula sa mga armadong grupo na naglilingkod umano sa ilang pulitiko at nagbabalak manggulo sa halalan. (EAD-PIA Masbate)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters