Kakaibang talento ng mga estudyante sa Masbate, hinahasa ng TESDA

By Ernesto A. Delgado

Thursday 7th of June 2012
LUNGSOD NG MASBATE, Hunyo 7 (PIA) - Maliban sa paggawa ng kanilang homework, may iba pang gawain ang mga matatalinong estudyante sa Masbate na pagkakaabalahan sa mga araw ng Sabado at Linggo.

Ang magagaling na estudyante sa kinder, elementarya, at hayskul ay bibigyan ng libreng pagsasanay na huhubog sa kanilang talento sa baking, cooking, food and beverage services, dancing, singing, musical instruments, swimming, taekwondo, at conversational English.

Ayon kay Masbate Provincial Information Officer Merien Cervantes, naging matagumpay ang ganitong workshop na ibinibigay nang katatapos pa lang na bakasyon kaya nagpagsiyahan anya ni Governor Rizalina Seachon-Lanete at ng Techinical Education and Skills Development Authority na pagbigyan ang kahilingan ng mga magulang.

Hiniling anya ng mga magulang na ipagpatuloy ang pagdaos ng workshop sa mga araw ng Sabado at Linggo upang patuloy na maging kapaki-pakinabang at nakakalinang ang mga araw na sila'y walang pasok.

Ayon kay Esber, ang pamahalaang panlalawigan ang sasagot sa gastusin ng workshop samantalang ang TESDA naman ang magsasakatupara sa proyekto. (EAD-PIA Masbate)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters