Tagalog News: Internet cafés bantay sarado ng BCPC sa Masbate

By Ernesto A. Delgado

Thursday 7th of June 2012
LUNGSOD NG MASBATE, June 7 (PIA) -- Hinigpitan sa lungsod ng Masbate ang regulasyon sa mga Internet Cafés simula sa unang araw ng klase nitong Lunes.

Ang paghihigpit ay nauna nang ipinaabot sa mga may-ari at operator ng mga Internet Cafés nang sila’y ipatawag sa pulong ng mga Barangay Council for the Protection of Children na ginanap ilang araw bago ang pagbubukas muli ng mga paaralan.

Nagbabala ang mga Barangay Council for the Protection of Children na hindi nila pahihintulutang maulit ang paglabag ng ilan sa mahigit 50 internet cafés sa regulasyon na nagbunsod ng patung-patung na reklamo mula sa mga magulang ng mga mag-aaral.

Batay sa reklamo, lumiliban ang mga mag-aaral sa kanilang klase bunsod ng pagkahumaling sa mga on-line games sa Internet.

Ayon sa mga punong barangay at City Social Welfare Office, kanilang papanagutin ang operators na magpapahintulot sa mga estudyante na pumasok sa kanilang mga Internet Cafés sa oras ng klase.

Batay sa ordinansa ng lungsod, off-limits o hindi pwedeng magpunta ang mga estudyante sa mga Internet Cafés sa mga araw na may pasok dahil ang mga larong on-line ay nagdudulot umano ng distraksyon sa kanilang pag-aaral. (MAL/EAD-PIA5 Masbate)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters