Tagalog news: DepEd nananalig sa bayanihan sa rehabilitasyon ng mga pampublikong paaralan sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Mayo 18 (PIA) -– May dahilan na upang magtiwala ang mag-aaral sa mga pampublikong paaralan na may kalumaan na ang silid–aralan dahil ang diwa ng bayanihan ay buhay at malusog sa lungsod ng Masbate.

Kabilang sa mga sumusulong sa diwa ng bayanihan ay ang Masbate City Schools Division Office ng Department of Education.

Ayon sa tanggapan, apirmatibo ang sagot ng mga tanggapan, civic groups at indibidwal na inanyayahan ni Masbate City Schools Division officer-in-charge Nene Merioles sa bayanihan na pinangalanang “Brigada Eskwela” na ilulunsad sa darating na Lunes.

Kabilang umano sa nangakong lalahok sa bayanihan ay ang mga kawani ng Masbate City Hall.

Ang mga boluntaryo ay magdadala ng mga pako, retaso ng kahoy, semento, pintura, martilyo at iba pang mga kahalitulad na kagamitang pang konstruksyon at sa loob ng isang lingo, sila’y magkukumpuni, magpipintura at maglilinis ng mga silid-aralan.

Umaasa ang pamunuan ng Masbate City Schools Division Office na sa pamamagitan ng bayanihan ay maibigay sa mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya ang desente at puntinsiyal na silid-aralan sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Ayon kay Merioles, ang Brigada Eskwela ay makatwirang pagpapalawak ng mga layunin ng Republic Act 8252 na bininyagan ng Adopt-A-School Act of 1998.

Mararamdaman ng mga lalahok sa nasabing gawain ang pamilyar na diwa ng bayanihan, isang kaugalian ng mga Pilipino na nararapat aniya na manahin ng mga mag-aaral sa panahon ng supercomputers.

Sa unang araw ng brigade isang caravan ang isasagawa ng mga boluntaryo sa mga pangunahing kalsada ng lungsod bago ang isang programa upang ipabatid sa mga Masbatenyos ang tunay diwa ng bayanihan. (MAL/EAD-PIA Masbate)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters