Tagalog News: P22M halaga ng tulong ipinamahagi sa mga magsasaka at mangingisda sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Peb 27 (PIA)  --  Halagang mahigit P22 milyon ang mga proyekto, kasangkapan, at mga kagamitang pangsakahan ang ipinamahagi ni Secretary Proceso Alcala ng Kagawaran ng Pagsasaka sa kanyang pagbisita sa Masbate noong nakaraang Biyernes.

 

Ang pamamahagi ay idinaos sa Agriculture Stakeholders’ Forum na dinaluhan ng mga lider ng mga samahan ng mga magsasaka at mangingisda at mga lokal na punong ehekutibo sa isang covered basketball court sa lungsod ng Masbate.

 

Ang ipinamahagi sa mga magsasaka ay P2 milyon fund assistance sa konstruksyon ng dalawang trading posts sa mga bayan ng Milagros at San Pascual; isang four-wheel drive tractor na nagkahahalaga ng P1.2 milyon para sa Milagros; isang flatbed dryer na nagkakahalaga ng P700,000; tatlong hand tractors na bawat isa ay nagkakahalaga ng P120,000; 13 power sprayers na may kabuuang halagang P240,000.

 

Dalawang palay threshers na ang isa ay nagkakahalaga ng P99,000; isang seed cleaner na nagkakahalaga ng P74,000; siyam na power knapsack sprayers na nagkakahalaga ng P17,000; at 10 PH meters na may kabuuang halagang P50,000.

 

Bukod dito, ipinamahagi din sa mga nais mag backyard planting ang 11,000 sets ng assorted vegetables na nagkakahalaga ng 410,000, gayundin ang 48 kilos na sari-saring vegetable seeds para mapaunlad ang vegetable commercial scale planting.

 

Natanggap naman ng sector ng mangingisda ang mga proyektong pangkabuhayan na may kabuuang halagang P9.8 milyon. Paghahatian ito ng 18 people’s organization na abala sa abalone production, bangus culture, grouper culture, seaweeds farming, mudcrab culture, sea cucumber ranching.

 

Bahagi ng pondo ay mapupunta sa sideline ng mga mangingisda na small scale coco fiber production at cassava production.

 

Ang nanghuhuli ng tuna ay ginawaran din ng 30 sets material assistance. Dagdag pa dito ang 10 fish cages na iginawad para sa techno demo projects.

 

At upang mapalakas ang pagsawata sa illegal fishing namahagi rin ng tigdalawang 16HP (horse power) engine sa bawat local government unit para sa kanilang Bantay Dagat Patrol Operations.

 

May 10 bottom set gill nets na idinaan sa raffle ang pamamahagi kaya nadagdagan ng excitement ang kasayahan ng mga dumalo sa forum. (MAL/EAD, PIA Masbate)

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters