Tagalog News: Kalihim ng DA, makikipagpulong at mamamahagi ng tulong sa mga magsasaka sa Masbate

By Ernesto A. Delgado

Wednesday 22nd of February 2012

LUNGSOD NG MASBATE, Peb. 22 (PIA) -- Nakatakdang dumating sa syudad ng Masbate sa darating na Biyernes ang Kalihim ng Kagawaran ng Pagsasaka upang mamamahagi ng mga proyekto at kagamitan sa mga magsasaka sa lalawigan ng Masbate.

 

Personal na ipamamahagi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala ang mga tulong sa mga magsasaka sa isang pagtitipon sa Masbate City Covered Court kung saan isasagawa din ng kalihim ang konsultasyon sa mga may kinalaman sa agrikultura sa lalawigan.

 

Sa tanghali ay makakaharap ng kalihim ang mga lokal na ehekutibo at mambabatas sa pangunguna ni Governor Rizalina Seachon-Lanete para sa isang hiwalay na konsultasyon.

 

Kasama rin sa mga aktibidad ng kalihim ang pag-inspeksyon sa ilang malalaking proyekto ng kagawaran at mga pasilidad pang agrikultura ng ilang local government units.

 

Mula sa paliparan, tutungo ang kalihim sa Buntod Sand Bar and Reef Marine Sanctuary na sakop ng syudad ng Masbate. Pangungunahan ng kalihim ang pagpapakawala sa ilang pawikan at bangus fingerlings sa nasabing marine sanctuary.

 

Pagkatapos ng dalawang magkahiwalay na konsultasyon sa mga magsasaka at mga lokal na ehekutibo ay tutungo din ang kalihim sa bayan ng Milagros upang mag inspeksyon sa Fazenda de Esperanza sa barangay Tawad at Manolib Irrigation System Rehabilitation Project sa kalapit na barangay ng Tawad.
Sa pagbabalik sa syudad, magtatapos ang hectic schedules ng kalihim sa isang press conference na gaganapin sa isang hotel.

 

Makakasama ng kalihim sa mga nabanggit na aktibidad si Regional Director Jose Dayao at iba pang DA regional officials. (MAL/EAD-PIA Masbate)

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters